[Teaser] Empoy Marquez bibidang muli matapos ang matagumpay na “Kita Kita”

Image via The Barker Youtube Account

Isa na namang pelikula ang pagbibidahan ng bagong heartthrob ng bayan – the New Pogi – na si Empoy Marquez matapos mapagtagumpayan ang kanyang unang pinagbidahang pelikula kasama ng award-winning Italian-Filipino aktres na si Alessandra De Rossi.

Tumabo sa takilya ang kanilang Kita Kita na diumano’y kumita ng mahigit P300 milyon sa loob ng tatlong linggo. Nag-click ang kanilang tandem at ngayon ay mas kilala na sila bilang AlEmpoy.

Sa ulat ng ABS CBN noong Agosto, sinabi ng AlEmpoy na masusundan pa ito ng isa pang pelikula. Ayon kay Alessandra, mas gusto niya na heavy drama naman  pagkat aniya: “Gusto ko umiyak si Empoy, hagulgol, walling, ganon.”

Samantala,  inilabas na ang teaser ng “The Barker (Don’t Know What To Do)” na isang comedy film sa ilalim ng direksyon ni Dennis Padilla at produksyon ng Viva Films.

Sa teaser ay makikitang tila mai-in love si Empoy sa isang mestiza, ngunit kung ano ang takbo ng kuwento ay hindi pa inihahayag. Siyempre, pa-surprise muna.

 Ito’y ipapalabas sa mga sinehan sa ika-4 ng Oktubre.

 Tarang sumilip sa teaser ng “The Barker (Don’t Know What To Do)”” at ating sabayan ang movie theme song: