#TOTGA: Empoy Marquez ibinahagi ang kanyang ‘the one that got away’

Image via Instagram account of empoy

“May TOTGA ka rin ba?  ‘The one that got away?'”

Bilang bagong box-office star at minsa’y tinaguriang “Empoy is the new pogi”, ibinahagi ng aktor ang personal na nararamdaman hinggil sa kanyang ‘the one that got away’.

Maaaring ito rin ang dahilan kung bakit ‘single’ pa rin sa kasalukuyan si Empoy Marquez, ayon sa ulat ng TV Patrol.

Ayon sa aktor: “Wala na talaga kasi nasa Singapore na ‘yong dati ko [girlfriend]. Work work muna talaga ngayon at siguro darating din ‘yung tamang time para diyan.”

Kuwento pa niya: “May communication kami hanggang ngayon, sakto naman at may family na siya and this Tuesday pupunta ako roon [Singapore] kasi may work ako. Friends naman po kami sa Friendster.”

Sa kasalukuyan, nakatuon din si Empoy sa pag-iipon at abala rin sa kanyang bagong pelikulang “Ang Kuwento ni Money”.

Aniya: “Ipon po muna, at sa ngayon wala pa po talaga ako nagagawa sa mga [kinita]. Kung anong mayroon ako ngayon, impok muna tapos family, tapos God, tapos family.”

Kaliwa’t kanan naman ang mga proyekto ni Empoy sa showbiz.

Nakatakdang pumirma ang aktor ng movie contract sa Star Cinema at magsisimula rin siya ng isang bagong ‘teleserye’ sa Dreamscape Productions ng ABS-CBN na lalong magpapatingkad pa sa kanyang career.

I-click ang larawan upang mapanood ang iba pang detalye kay Empoy mula sa ABS-CBN:

Click the image to watch the video