Tulfo kay Trillanes: Ikaw ang ama ng fake news sa Pilipinas

Image capture of video via Facebook page of Erwin Tulfo and file photo

“Ikaw, sir, ang source ng fake news. Huwag mo kong babaliktarin at sasabihin mo I’m the source of fake news dahil ikaw ha kung source ako ng fake news ikaw ang ama, pambansang ama ng fake news ng Pilipinas.”

Bumuwelta si Erwin Tulfo, isang mamamahayag, laban sa bantang pagsasampa ng kasong libel ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sinagot ni Tulfo sa isang video post ang mga tirada sa kanya ni Trillanes na fake news daw ang kanyang inilabas hinggil sa bank account ni Trillanes sa ibang bansa.

Ani Tulfo: Sir, patunayan mo ‘yan sa Korte, it’s not for me to prove that. It is you na dapat mag-prove diyan.”

Iginiit din ni Tulfo na mismong si Mark Taguba ang nagsabi na narinig lamang niya na nanghihingi sila ng tara ngunit hindi kailanman nito sinabi na si presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio ay sangkot sa shabu shipment sa Bureau of Customs (BOC).

Punto niya: “Ikaw ang founder ng fake news. Ikaw ang father of all fake news. Ikaw ang nag-imbento ng fake news, Senador Trillanes.”

Tinanong din ng mamamahayag ang senador sa kung ano ang ikakasong libel nito sa kanya.

Aniya: “Ang libel kasi ay paninirang puri. Anong sisirain sa ‘yo? Eh tingin talaga sa ‘yo eh sira na ang puri mo. ‘Yung credibility mo in question.”

Binanggit din ni Tulfo na mismong ang bangko ang nagsabi na walang bilyones ang mga Duterte at sinabi rin ni Trillanes na kung hindi niya ito mapatutunayan ay magbibitiw siya sa puwesto ngunit hanggang ngayon ay nasa Senado pa rin.

Ayon pa kay Tulfo na istilo ni Trillanes na tumakbo sa media.

Iginiit pa ni Tulfo na pinaiikot-ikot lamang ni Trillanes ang taumbayan hinggil sa waiver upang maipakita sa publiko ang bank account niya.

Wika niya: “‘Yung waiver mo pang-press release at baka nga hindi tanggapin ng bangko ‘yan. ‘Yung waiver mo, sir, kulang. Number 1 para i-honor ng bangko ‘yang waiver mo dapat, sir, ipa-consularized mo.”

Dagdag pa ng mamamahayag na sasagutin na lamang niya ang senador sa Korte bitbit ang kanyang mga dokumento.

Sa inisyal na ulat naman ng Balita DF, dumepensa si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary at blogger Mocha Uson sa paratang ni Trillanes.

Ani Uson: “Paki-search na rin po sa google meaning ng “alleged”. Also sino po ba ang fake news sa Senado? Sino po ba ang bato nang bato ng alegasyon na walang ebidensyang magpapatotoo sa alegasyon?”

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa Facebook page ng Erwin Tulfo: