Video ng dance rehearsal ni Maja Salvador, umani ng papuri mula sa netizens

Image via Instagram account of iammajasalvador

Umani ng papuri mula sa netizens ang ibinahaging dance rehearsal video ni Maja Salvador para sa “ASAP”.

Ayon sa Instagram post ni Maja, kasama niya rito ang G-Force dancers na sina El-John Zian Macalatan at Jorge Marvin M. Jahnke.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, pinatunayan ng aktres na kahit abala siya sa sikat na “Wildflower” ay kayang-kaya pa rin niyang humataw at gumiling sa sayawan.

Sa kasalukuyan na pag-uulat, ang video post ni Maja ay may mahigit 301,000 views na.

rehearsing w/ @gforce_eljohn and @gforce_jorge for #AsapRaintastic

A post shared by Maja Salvador (@iammajasalvador) on

Samantala, nitong Agosto, umamin si Maja na mayroon siyang dine-date na ‘non-showbiz guy’ ngunit hindi niya ito pinangalanan.

Tumanggi rin ang aktres na magbigay ng ‘label’ sa kanilang relasyon, ayon sa inisyal na ulat ng PEP.

Pinabulaanan din ni Maja ang mga balita na hindi siya tanggap ng pamilya ng kanyang dine-date.

Aniya: “Hindi po totoo and ‘yung family sobrang love ako nung family.”