Heartwarming! Isang Sapaterong walang sapin ang paa, tinulungan ng mga estranghero

Imahe mula kay Mark Jugo's Facebook Account

Kamakailan ay nag-viral  ang isang post sa Facebook  hinggil sa isang sapatero na walang sapin sa paa at may kakaibang bisikleta.

Sa FB account ni Mark Jugo ay makikita ang mga larawan ng isang sapatero na kinunan niya habang nagpapagawa siya ng sapatos sa Tanay, Rizal.

Kapansin-pansin sa mga larawan ang kakaibang bisikleta at ang kawalan nito ng sapin sa paa sa kabila ng kanyang pagiging sapatero. Humanga si Mark sa diskarte ni manong na marangal na naghahanapbuhay sa kabila ng mga kakulangan sa buhay.

Sabi nga ni Mark sa kanyang post, ang gamit ni manong  sa pagpadyak ay winelding na mga scrap na mga bakal at ‘yung panglikod ay wala pang goma.Wala ring pidalan ‘yung gamit niyang bike — as in literal na mga paa ni manong ang gamit niya para umusad ‘yung bike (at malamang ay mga paa rin niya ang gamit niya sa pagpreno).  Bagama’t nagre-repair siya ng mga sapatos, siya mismo ay walang suot na sapatos.

1

Naantig ang damdamin ni Mark kaya ito nanawagan sa social media. Nagbakasakali na may gustong mag-donate ng bike para hindi na umano masyadong mahirapan si manong sa kanyang paghahanapbuhay.  Dagdag ni Mark, ganitong klase ng mga tao talaga ang dapat matulungan pagkat sila ‘yung mga taong tinutulungan ang sarili nila nang “PAREHAS” at walang panlalamang sa kapwa.

Sino ba si Manong sapatero?

Dahil sa nag-viral na post ni Mark ay nakarating ang kuwento ng kahanga-hangang sapatero sa Rated K ni Korina Sanchez.