VM Duterte naglatag ng mga kondisyon sa pagpapakita ng kanyang tattoo

Image capture of ABS-CBN News video via Facebook

Sa tamang panahon!

Wala pang balak si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na ipakita ang kanyang tattoo sa publiko.

Ayon sa ulat ng News 5, nais pang inisin ni VM Duterte si  Senator Antonio Trillanes IV.

Matatandang inakusahan ni Trillanes ang nakababatang Duterte na ito’y miyembro ng triad at ang isang patunay ay ang tattoo nito sa kanyang likuran.

Hindi kami uto-uto, when the time comes na nahulog na siya at naputol na ang pakpak niya dahil sa taas ng kanyang lipad, ipapakita ko ‘to. sinabihan ko nga ‘yung tattoo artist ko, I also texted Baste kasi kaibigan niya ‘yun, not to post my tattoo. Iinisin mo muna ‘yung kalaban hanggang mabiyak ‘yung ulo nila, lalo na ‘tong mga yellowtards. Lalo na ‘yung nasa social media, nabaliw na sa kakasalita. Let them eat the dragon then I will show you my tattoo. not now,” ayon kay VM Duterte.

Ayon kay VM Duterte, mas mukhang adik ang Senador kaysa sa kaniya.

Mas mukha pa ngang drug addict yung p*t***-i** na may gusto sa akin sa Senado. Kaya lumalabas gumagamit ‘yun to have the confidence to ask questions para maging matapang. Totoo ‘yan, tingnan mo ‘yung mukha,” ani VM Duterte.

Hinamon rin niya ang isang broadkaster na bumabatikos raw sa kanya.

Hinamon din ni VM Duterte ang mamamahayag na si Karen Davila na tignan ang kaniyang tattoo ngunit silang dalawa lamang sa kuwarto sa hotel.

Ipinakita rin sa media ng bise alkalde ang relong Audemars Piguet na nagkakahalaga diumano ng P1.9 million.

Kunin mo to, ibenta, pag-umabot ng 1.9 million, hati-hatiin n’yo media ang pera pero kapag ‘di tinanggap, ibalik n’yo sa akin. Umambisyon lang naman ang mahirap kahit… oh ayan. ‘wag ka mag-alala, may isa pa ako,” wika pa ni VM Duterte.