4 na miyembro ng NPA sumuko sa pamahalaan — AFP

Mga imahe mula sa Armed Forces of the Philippines Facebook page at http://www.afp.mil.ph/.

Apat na diumano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko kamakailan sa Armed Forces of the Philippines – Western Command (AFP-WESCOM) sa Palawan.

Hinggil sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni AFP-WESCOM spokesperson Captain Cherryl Tindog na dalawang lalaki at dalawang babae ang sumuko sa kanila noong Setyembre 28 at 29. Dagdag pa niya, tatlo sa mga ito ay teenagers.

Kinilala naman niya ang mga sumuko bilang sina Jeffrey Orit Sampaca, alyas Ka Ruben and Ka Dante, 25; Henry Poyang Minduk , alyas Ka Daniel, 18; Analyn Pitogo Ambuan, alias Ansa, 19; at isang 16 anyos na babae.

Ang mga lalaki ay residente ng Sitio Tabud, Barangay Saraza, Brooke’s Point. Samantala, ang mga babae naman ay taga-Sitio Macagua, Barangay Amas, Brooke’s Point.

Batay kay Tindog, ang sinuko ng mga lalaki ay M16 Bushmaster na may magazine, at isang M1 garand na may limang clips and 40 rounds ammunition, dalawang IEDs, at isang rocket parachute flare. Ang mga ito umano ay pag-aari ng Marine Battalion Landing Team-4 (MBLT-4).

Ang nilapitan umano nina Ambuan at ng menor de edad ay isang lider ng tribo. Ang lider ng tribo ay ama ng 16 anyos na bata.

Kinundena naman ng Wescom ang paggamit sa mga bata bilang mga sundalo ng mg komunistang terorista sa Palawan. Ito umano, ayon sa spokesman, ay malinaw na paglabag sa human rights and the International Humanitarian Law.

“We are glad that these four communist-terrorists have decided to surrender and return to the fold of the law. Their surrender, together with their firearms, IEDs and other war materials is a serious blow to communism-terrorism in the province,” saad ni WESCOM commander Major General Galileo Gerard Kintanar Jr, sa isang artikulo ng PNA.

[Masaya kami na sumuko ang apat na miyembro ng komunistang terorista. Ang kanilang pagsuko at pagsauli ng mga armas ay may malaking epekto sa terorismo sa probinsya.]