Alejano nagagalak sa paglaya ng Marawi: ‘Undying love and service for our country’

Images from DFN Files

“Undying love and service for our country.”

Nagagalak si Magdalo party-list Representative Gary Alejano makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City laban sa mga terorista.

“I especially give my respect to our soldiers who passed away and who offered the extreme sacrifice in line of duty,” ayon kay Alejano.

Nitong Oktubre 17, idineklera ni Pangulong Duterte na Malaya na ang Marawi kasunod ng pagkakapaslang ng dalawang lider ng ISIS-Maute Group na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon. Sinabi rin ng pangulo na simula na ito ng muling pagbangon ng Marawi.

Hinamon naman ng mambabatas ang pamahalaan na muling ibalik sa dati ang Marawi City.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi rin ni Alejano na dapat isama ang mga probisyon sa mga pangunahing pangangailangan, pagpapatayo ng mga bahay at imprastaktura at pagbabalik ng mga economic activity.

“Psychological services should also be provided for the residents and soldiers who have been in the frontlines and have endured the conflict on the ground,” dagdag pa nito.

Umaasa rin ni Alejano na magiging mabilis ang rehabilitasyon ng lungsod.

Nanawagan din ang mambabatas sa pamahalaan na tukuyin ang ugat ng krisis sa Marawi.

Samantala, nanawagan din ang mga Senador sa agarang rehabilitasyon ng Marawi kasunod ng deklarasyon ni Duterte na malaya na ang lungsod.

Source :

GMA, Sunstar, CNN