All red: Regine Velasquez bumida sa fashion magazine online cover ng Preview

Imahe mula sa Instagram account ng Preview PH

All red si “Asia’s Songbird” Regine Velasquez sa kanyang fashion magazine Preview’s online cover para sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa ulat ng GMA, si Regine ay pinili ng Preview na maging online cover upang gunitain  ang kanyang  ika-30 taon sa show business.

Sa tatlong dekada ng kanyang pag-awit, pinatunayan pa rin ni Regine na kaya niya pang makipagsabayan.

Sa Preview’s online feature, ibinahagi ni  Regine kung paano siya nabago ng kanyang career sa mga nagdaang taon.

“My career is still a priority but unlike how it was before when it was practically my life,” ani Regine sa Preview.

Wika pa ni Regine, ang pagiging maybahay at pagiging ina ang kanyang prayoridad.

“I’m just very realistic and a lot older now. I’m still here, pero hindi na ako masyadong aligaga gaya ng dati. I am really comfortable and happy where I am and with who I am: a wife first, then a mother,” saad pa ni Regine.

Sa Instagram account ng Preview PH, ibinahagi nito ang cover photo shoot ni Regine sa all-red outfit mula sa estilo ni Marj Ramos, habang ang buhok at make-up niya’y mula sa kahusayan ni Chris Rodil.

Ang mga larawan ay kuha ng  fashion photographer na si Dookie Ducay.

“My career is still a priority but unlike how it was before when it was practically my life,” @reginevalcasid shares while taking a lunch break in between photo and video shoots for Preview. “Not that I’m tamad,” she clarifies. “I’m just very realistic and a lot older now. I’m still here, pero hindi na ako masyadong aligaga gaya ng dati. I am really comfortable and happy where I am and with who I am: a wife first, then a mother.” Read the rest of the story in the link in our bio! Photographed by @dookieducay Produced and styled by @itsmarjramos Art direction and photo enhancing by @eugene_david Assisted by @pgabogutierrez and @sgsison Makeup by @reginevalcasid Hair by @chrisrodil Nails by Maritesa Sison of @beautynbutter

A post shared by Preview Magazine (@previewph) on

Si Regine ay nakatakdang magdaos ng concert “R3.0” sa October 21 at 22.