Baby Zion sinorpresa ang inang si Sarah Lahbati sa kanyang kaarawan

Imahe mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Walang mapagsidlan ng kasiyahan si Sarah Lahbati nang sorpresahin ito ng kanyang anak na si Zion Gutierrez sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng bouquet of flowers sa ika-24 niyang kaarawan nitong nagdaang Lunes.

Ibinahagi ni Lahbati sa kanyang Instagram account ang touching moment nilang mag-ina.

“After I picked @officialziongutz up from school, I sent him home so he can take a nap but apparently he went behind my back with dada and decided to surprise me at the gym,” ayon sa caption ni Lahbati.

Sa video mapanonood si Zion sa gym na naglalakad patungo sa kanyang ina upang iabot ang bouquet of flower.

“Happy birthday. I love you,” ani Zion kay Lahbati.

24 🎂 Thanks everyone! 🙂

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Lahbati ang ikalawang anak nila ni Richard Gutierrez.