Bea Alonzo, nagdiwang ng kaarawan kasama si Gerald Anderson sa Barcelona

screenshot photo mula sa Instagram account ni Gerald Anderson

Sinorpresa ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson, gayundin ng kanilang ilang matatalik na kaibigan, ang kanyang “babe” na si Bea Alonzo na nagdiwang ng kanyang ika-30 kaarawan sa Barcelona, Spain noong Lunes, Oktubre 16, 2017 kung saan nagkaroon sila ng show ni Piolo Pascual sa TFC Annual Kapamilya Fiesta World Celebration.

Bago ang kanyang show sa Barcelona, dumalo muna si Bea sa kasal ng mga kilalang stylist na sina Rex Atienza at Jay Samaniego na ginanap sa garden courtyard ng Hotel Plaza Athenee noong Oktubre 12, 2017 sa Paris, France.

Nakasama niya rito ang kanyang perennial screen partner at ngayo’y kontrobersyal na aktor na si John Lloyd Cruz dahil sa pamamahinga nito sa mga tv projects, at dahil sa umano’y relasyon nito kay Ellen Adarna.

Kahit hectic ang schedule at kabi-kabila ang workload, nagawa pa ring  dumalo ni Gerald sa party ni Bea at sorpresahin ito. Sa ginanap at pinag-usapang Star Magic Ball 2017, hindi sinasadyang nabanggit ni Gerald ang real score sa pagitan nila ni Bea at nagbitiw pa ng mga litanyang “What you see is what you get.”

Bago siya lumipad patungong Espanya noong Sabado ng gabi, nakuha pang dumalo ni Gerald sa isang afternoon promotional show. Hindi siya nagtagal sa Barcelona dahil kinakailangan niyang bumalik agad sa Pilipinas para sa taping ng daytime TV series nila ng kanyang katambal at ex-girlfriend na si Kim Chiu na Ikaw Lang Ang Iibigin kasama sina JC Santos, Jake Cuenca at Arci Munoz.

Batay sa mga larawan at video na inupload ni Monch Novales @monchnovales sa kanyang Instagram account, makikita ang kasiyahan ng birthday celebrator dahil sa sorpresa ng kanyang mga kaibigan at ng napababalitang karelasyong si Gerald.

Birthday celebration in Barcelona @beaalonzo  @andersongeraldjr  @piolo_pascual

A post shared by Monch Novales (@monchnovales) on

Mula naman sa larawang post ni @bearaldcoordinator, makikitang kasama at katabi nina Gerald at Bea sa mesa sina Enchong Dee, Piolo Pascual, at ang komedyanteng si Pooh na kabilang sa TFC show.