Bicol University nursing student, nag-viral dahil sa pagpapaanak sa buntis sa PUV

Imahe mula sa Facebook account ni Amy Bacares.

Viral ngayon sa social media ang pagtulong ng isang nursing student ng Bicol University sa isang babaeng nanganak sa loob ng isang public utility vehicle (PUV).

Hinggil sa Facebook post ni Amy Bacares, takot na takot sila noong panahong iyon at nagpa-panic. Buti na lamang at naroon ang nursing student na kinilala bilang si JM Cabarle.

Ang buntis na babae, ayon sa ABS CBN News, ay si Remelyn Frondoso na nakasakay ni Amy at JM.

Saad ni Amy, dahil sa pagiging alerto ng nursing student ay ligtas na nakapanganak si Frondoso.

“Kudos to this 4th year nursing student ‘JM’ of Bicol University for your courage. With your help and alertness we survived the agonizing moment when all we did was to panic and cry,” sabi ni Amy sa kanyang post.

[Kudos sa fourth year nursing student na si “JM” ng Bicol University dahil sa kanyang katapangan. Dahil sa iyong tulong at pagiging alerto, naka-survive kami sa mahirap na sitwasyong iyon kung saan kaming lahat ay nagpa-panic  na at umiiyak.]

“You’re worthy to be called a nurse someday Miss JM for helping this mother in birthing her healthy baby girl at 6:45 a.m. inside a public utility van,” dagdag pa ng naturang Facebook user.

[Sa hinaharap, karapat-dapat kang tawaging isang nurse Miss JM dahil sa pagtulong mo sa nanay na maisilang  ang kanyang malusog na sanggol na babae sa loob ng isang public utility van.]

May mga larawan namang kasama ang post ni Amy kung saan makikita si JM na tinutulungang manganak si Frondoso.

Actual training at sa maselang lokasyon pa ang naging memorable na karanasan ng future nurse na ito. Kudos!

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 5,800 reactions at halos 1,100 shares ang post ni Amy.