Dakilang ama, dakilang sekyu! Manong guard hinangaan sa pag-aalaga ng anak na premature habang naka-duty

Imahe mula sa Matalinong Matsing Facebook Account

Dakilang ama, dakilang sekyu!

Hindi kalakihan ang sahod at kadalasan ay nasa bingit pa ng kamatayan; ‘yan ay mga katotohanan hinggil sa trabaho isang security guard.

Nag-trending ang isang security guard dahil sa pagganap ng dalawang mahalagang tungkulin sa kanyang buhay – ang pagiging ama at pagiging security guard.

Sa Facebook account ng Matalinong Matsing, ibinahagi ng netizen ang larawan ng isang manong guard na bitbit ang kanyang anak.

Salaysay ng isang netizen na kumuha ng larawan sa Cebuana, Pacita branch, nakita nila ang sekyu habang sila’y nakapila sa naturang remittance center. Naantig umano ito sa sitwasyon ng naturang manong sekyu dahil sa pag-aalaga ng anak nitong premature habang naka-duty.

Nabilib lang ako sa kanya dahil sinisikap nyang pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aalaga sa kanyang anak. Saludo ako sayo manong guard napakabuti mong ama!”

Labis na hinangaan ng mga netizen ang sekyu na ama at agad ibinahagi ang larawan nito.

Manong guard, si Lord na po ang bahala sa inyo.

Source :

Facebook