Dream come true! Coco Martin at traditional tattoo artist Whang-Od nagkaharap na

Imahe mula sa Instagram account ni Jeff Fernando/Facebook account ni Jack Ibagbaga

Sa wakas ay nagkaharap na rin ang “Ang Probinsyano” star na si Coco Martin at ang iconic mambabatok ng Kalinga na si Whang-Od.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, lumipad patungong Maynila si Whang-Od mula sa kanyang tahanan sa Buscalan upang makadaupang-palad si Coco.

Nasundo na namin siya!

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

100 year old tatoo artist Whang Od Oggay, dumating na sa Manila para sa personal nilang pagkikita ni Coco Martin @abscbnnews @cocomartin_ph

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

Sa Instagram post ni Jeff Fernando, hindi maitago ang tuwa nang makaharap nito si Coco. Sa larawan, makikitang nakaakbay si Coco kay Whang-Od.

Nagkita na sila!

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

Sa video na ito ng ABS CBN, halos mapaluha ang bantog na mambabatok nang makaharap ang ‘Probinsiyano.’

Si Whang-Od ay sinamahan ng kanyang apo na si Grace Palisca na nagbahagi rin ng larawan ng biyahe ng kanyang lola sa social media.

Matatandaan nitong Pebrero ay naiulat na malaki ang paghanga ni Whang-Od sa Kapamilya actor.

Simula noo’y naging bukas sa pakikipag-kita si Coco kay Whang-Od kahit pa nagpaabot ito ng regalo noong Hulyo.

Nais umano ni Whang-Od na lagyan ng  python o alupihan bilang tattoo sa braso si Coco. Ang disenyo ay ibinibigay sa mandirigma ng Kalinga bilang anyo ng talisman at pagkilala sa kanilang lakas ng loob at katapangan.

Si Whang-Od na lamang ang huling nagsasagawa ng  traditional tattoo sa Kalinga.

Unang lumabas si Whang-Od noong 2009 nang magtungo ang tattoo anthropologist na si Lars Krutak sa Buscalan at bumuo ng dokumentaryo sa  Discover Channel.

Panoorin ang dokumentaryong ito ni Lars Krutak kay Whang-Od: