Duterte may babala sa labis na pagkain ng kanin

Image via PhilNews

“Most vicious of all carbohydrates.”

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo sa Bulacan na maaari itong makapagtamo ng diabetes, gayundin ng sakit sa puso at atay sa pagkain ng sobrang kanin.

“‘Pag hit mo ng 60 o 50, pasok na ‘yan — diabetes kasi kinakain natin kanin. That’s the most vicious of all the carbohydrates kaya pinakamataas ang Southeast Asia because we are rice-eating,” ani Duterte sa ginanap na pagpapasinaya sa pabahay ng mga Scout Rangers ng Philippine Army sa San Miguel, Bulacan nitong Oktubre 11.

“Hindi ‘yan virus, it is not a bacteria. It just malfunctions sa body mo because sobra tayo sa carbohydrates,” ani Duterte.

“Heart, tatamaan ‘yan; kidney, kayong mga sundalo. Halos lahat, kidney,” dagdag pa nito.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, tinalakay ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng public health kasabay ng pagtalakay din nito sa anti-drug efforts upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga Pilipino. Pinaliwanag din nito na dapat protektahan ng gobyerno  ang mga kabataan upang hindi malulong sa droga lalo pa’t ang mga ito ang mangangalaga sa kanilang mga magulang sa panahon ng katandaan.