Duterte sa pag-alis ng awtoridad sa anti-illegal drug operations sa PNP: ‘Huwag akong sisihin kapag muling lumala ang droga’

Image from Rody Duterte's Facebook account

Huwag sana siyang sisihin kapag muling namayagpag ang mga sindikato ng droga sa bansa; ito ay ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang opisyal nang inialis ni Pangulong  Duterte sa Philippine National Police at sa iba pang tanggapan ng pamahalaan ang awtoridad na magsagawa ng anti-illegal drug operations sa buong bansa at sinabing Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) na lamang ang tututok dito.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, pinasaringan ng Pangulo ang ilang miyembro ng media at mga human rights advocates na tinawag rin niya bilang “bleeding hearts”.

Sa halip na tingnan ang sinapit ng mga namatay na drug personalities sa war on drugs, anang Pangulo na masama ang kanyang loob sa pagbalewala ng ilang mga grupo sa ibinuwis na buhay ng ilang mga pulis, militar at law enforcement agents sa kampanya sa drug war.

Saad pa ng Pangulo na binalewala rin ng human rights advocates ang sinapit ng mga biktima ng karahasan na nag-ugat dahil sa paglaganap ng iligal droga sa bansa.

Samantala, welcome development naman para sa Commission on Human Human Rights na maibalik sa PDEA ang kapangyarihan sa war on drugs ng pamahalaan.