Duterte sa pagtanggal ng Pilipinas sa UN: ‘Do it now’

Image from Rody Duterte's Facebook account

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga European Union (EU) diplomats na umalis na sa bansa sa loob ng 24 oras makaraang magbanta ng huli na sila’y aalisin sa United Nation bilang kasapi nito.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa relaunching ng Press Briefing Room sa Malacañang kaninang hapon nitong Oktubre 12; ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

“Maybe this would suffice for the stupid European Union guys. You know, they were all focused on how many deaths… And they threatened us, they said they will have us expelled from the UN,” ayon kay Duterte.

“My God. Do it, st**id. Do it now,” dagdag pa nito.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng naging babala ng Human Rights Watch na posibleng mapatalsik sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang bansa dahil sa umano’y paglabag sa karapatang pantao.

Wika pa ni  Duterte, malaya ang mga ambassadors ng EU na lumayas ng Pillipinas sa loob ng 24 oras.

Mensahe pa ni Duterte sa ambassadors sa bansa, sabihan lamang siya at handa niyang putulin ang diplomatic channel sa pagitan nila bukas din.

Wala pang paglilinaw ang Malacañang kaugnay sa nabing pahayag ni Pangulong Duterte.