Ellen Adarna tinawag na ‘blogger jowa’ si John Lloyd Cruz

Imahe mula sa Instagram ni Ellen Adarna/Public Domain

Hindi pa rin sila?

Kinumpirma ni Ellen Adarna na sila’y magkasama ni John Lloyd Cruz sa kanilang romantic sojourn sa Europe.

Sa Instagram post ni Ellen, ibinahagi nito ang larawan niyang nakasuot ang barn red scarf, grey jacket, at black pants at  naka-high-heeled boots na mamamasyal sa Paris’ Rue Bayard.

My photographer 📸 @ekomsi

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Ngunit higit sa kanyang OOTD, mas interesado ang fans sa pag-tag nito kay  John Lloyd bilang photographer at tinawag itong ‘blogger jowa’ sa komento.

Hindi nagbahagi ng larawan si Ellen na sila’y magkasama ng rumored boyfriend. Ngunit ang kuhang ito ng larawan ay sa hotel na kanilang tinutuluyan na sinasabing sa historic Plaza Athénée.

Ito ang unang pagkakataon na nai-tag ni Ellen si John Lloyd magmula umano nang magsimula ang sinasabing relasyon ng dalawa.

Sila’y naiulat din na magkasama sa Morocco at Portugal.

Nagbahagi rin ng mga larawan si John Lloyd ngunit mga kuha ng sidewalks, drainage at iba pang sights.

first night ng mga buang

A post shared by portal (@ekomsi) on

zoom in to see the green

A post shared by portal (@ekomsi) on

Sumibol umano ang kanilang pagiging magkaibigan sa weekend sitcom na “Home Sweetie Home” kung saan bahagi si Ellen ng show.

Kamakailan din ay nagkasundo ang ABS CBN at si John Lloyd na mag-“indefinite leave” muna ang aktor upang ayusin ang ilang personal na bagay.