ERC Chair sinibak sa puwesto dahil umano sa korapsyon

Imahe mula sa ABS CBN video/Public domain

Tuloy ang laban sa korapsyon ng administrasyong Duterte.

Sinibak ng Office of the President si Energy Regulatory Commission (ERC) chairman Jose Vicente Salazar matapos mapatunayang  guilty sa simple and grave misconduct na may kaugnayan sa katiwalian.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ang desisyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Oktubre 6. Si Salazar ay guilty sa 2 counts ng simple misconduct at 1 count ng grave misconduct.

Si Salazar ay itinalaga ng yumaong si ERC Director Francisco Villa Jr. sa pamamagitan ng isang selection process sa audio visual presentation project upang paboran si Luis Morelos.

Nauna nang itinanggi ni Salazar ang maling gawain sa pag-produce ng infomercials at campaign materials kasama ni Morelos.

With respect to the matter of procurement of the AVP project, all elements of corruption, clear intent to violate the law, and flagrant disregard of established rule have been sufficiently demonstrated,” nakasaad sa desisyon .

Bago ang desisyon si Salazar ay pinatawan na ng preventive suspension. Ang kanyang deputy na si Commissioner Alfredo Non ay itinalagang  officer-in-charge.

Source :

ABS CBN, CNN, Rappler