Europa, inimbitahan ni Pangulong Duterte na lutasin ang problema ng droga sa bansa

Imahe mula sa President Rodrigo Duterte Supporters FB page.

Ang mga bansang miyembro ng European Union ay inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong sa paglutas sa problema sa droga ng Pilipinas.

Hinggil sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ito ni Duterte sa kanyang talumpati sa “High Level Forum on [email protected]” sa siyudad ng Pasay kamakailan lamang.

Saad pa ng pangulo, ang Europa umano ay dapat nang huminto sa pakikialam sa Pilipinas dahil ito ay isang malayang bansa.

“Maybe you can do it for us. I am inviting you to join the fray. I would be glad to appoint you the lead role in [solving] the problem,” saad ni Pangulong Duterte.

[Baka maari ninyong gawin para sa amin. Iniimbitahan ko kayo na tumulong. Buong galak kong tatanggapin ang inyong tulong sa pag-ayos sa problema.]

“If you cannot stop interfering, at least be educated in your assessment. The problem is serious and we’re trying to solve it,” dagdag niya.

[Kung hindi n’yo kaya, huwag na kayong makialam, at maging edukado naman kayo sa inyong konklusyon… Ang problema ay malubha at amin itong sinusubukang ayusin.]

Ang mga patama ng pangulo sa Europa ay dahil sa pagpuna sa kampanya kontra droga ng delegasyon ng International Delegates of the Progressive Alliance.

Ang naturang grupo, ayon sa mga ulat, ay binalaan ang pamahalaan na maaaring matanggal ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council dahil sa mga patayan na dulot ng giyera ng gobyerno kontra droga.