Facebook nakararanas ng aberya sa maraming bahagi ng mundo, kabilang ang Pilipinas

Image capture of video by Saidat Miloud

Trending ngayon sa social media ang #facebookdown dahil sa aberya na nararanasan ng Facebook kung saan libo-libong users ng popular na social media site ang hindi maka-access sa kanilang Facebook accounts.

Ayon sa ulat ng Express, blank screen lamang ang nakikita ng mga users kapag sinusubukan nliang mga log-in sa kanilang account.

Nagsimula umano ang aberya dakong alas-kwatro ng hapon noong Miyerkules, ika-11 ng Oktubre. Dahil sa pangyayari, dumagsa ang mga social media users sa social networking site na Twitter upang i-report ang aberya.

Hindi naman lahat ng users ay apektado, subalit dito sa bansa ay maraming Pinoy netizens ang apektado ng nasabing aberya. Hindi sila makapag-post ni makapag-upload ng larawan. Marami rin ang talagang hindi mabuksan ang kanilang Facebook account.

Agad naman umanong gumawa ng kaukulang aksyon ang pamunuan nf Facebook at sinimulang ayusin ang aberya.