GMA iniwan na ang Lakas, umanib sa PDP-Laban

Image from DF Balita Files

MAYNILA, Pilipinas – Tuluyan nang iniwan ni dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang Lakas-CMD ang partidong dati niyang pinamunuan noong kaniyang administrasyon, at umanib sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban.

Si Arroyo ay sumumpa bilang panibagong miyembro ng PDP-Laban nitong Miyerkules sa harap ni Speaker Pantaleon Alvarez, ang secretary-general ng ruling party.

Sa isang pahayag, sinabi ng kasalukuyang Pampanga representative na ang kaniyang paglipat ng partido ay bilang pagbibigay suporta kay Pangulong Duterte, ang kinikilalang lider ngayon ng PDP-Laban.

“My joining the PDP-Laban is to consolidate support for the President. It is a matter of course as we have been talking about this for quite sometime,” ani Arroyo.

Kasama ring sumumpa ni Arroyo ang dalawa sa kaniyang dating opisyal ng Gabinete na sina Arthur Yap at Nasser Pangandaman.

Si Arroyo ang founding chairman ng Kampi (Kabalikat ng Malayang Pilipino, dating Kabalikat ng Mamamatang Pilipino) na gagamitin sana niyang behikulo para sa pagtakbo noong 1998 presidential election.

Subalit dahil bumaba sa pagka-pangalawang pangulo bilang running-mate ni dating Speaker Jose De Venecia, nakipagsanib-puwersa ang Kampi sa Lakas-CMD na nananatili hanggang sa maging pangulo si Arroyo.