Makaraan ang paghingi ng paumanhin tungkol sa depresyon, Joey De Leon sinuspinde ang sarili?

Imahe mula sa Instagram ni Angpoetnyo

Naging usap-usapan kamakailan ang Eat Bulaga host Joey De Leon sa paghingi nito ng paumanhin hinggil sa naging pahayag nito na ang depresyon ay gawa gawa lamang ng tao.

Ngunit sinuspinde nga kaya ni Joey ang kanyang sarili kasunod ng paghingi niya ng paumanhin?

Sa Instagram post ni Joey nitong October 10, sinabi nito na gagamitin niya ang self-imposed suspension sa pamamagitan ng pagbibiyahe.

Ani  Joey sa kanyang post: “I made a mistake and I’m suspending myself… An ounce of suspension is worth a pound of tour! Ngek!”

I made a mistake and I'm suspending myself…"An ounce of suspension is worth a pound of tour!" Ngek!

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo) on

Dahil nga kilala si Joey sa kanyang mga double meaning na  pahayag, hindi malinaw kung nagbibiro o seryoso siya sa kanyang sinabi.

Sa Instagram post niya ay makikita na siya’y nasa iCremeria; isang sikat na dessert restaurant sa Hong Kong.

Nagkataon namang ipagdiriwang ni Joey ang ika-71 kaarawan sa  Oktubre 14, kaya bumuhos ang pagbati mula sa ilang netizens.

Isa  sa mga bumati sa kanya ang dancer-actor na si Joshua Zamora; mister ni Jopay Paguia.

“Be good!! But at least marunong magsorry! Ang you know what for!” biro naman ng anak ni Joey na si Jocas.

Matatandaang noong October 5 episode ng Eat Bulaga ay nagbitaw ang host ng kontrobersyal na pahayag. Kinabukasan ay agad namang humingi ng dispensa si Joey, ayon sa ulat ng PEP.

Pinuri naman ng netizens at ilang kilalang personalidad ang pagpapakumbaba ng iconic TV host-comedian.