Makaraang mag-indefinite leave, John Lloyd kasama muli ang rumored GF na si Ellen?

Imahe mula sa Instagram account nina Ellen Adarna/ John Lloyd Cruz

Magkasama at tila nagkukulitan!

Ganito mailalarawan ang latest picture nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram account nitong October 8.

Ayaw mo kong pansinin ha. 😂😂😂 Toink! 😂

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Nag-post din ang dalawa ng larawan ng isang beach ngunit hindi tinukoy kung saan ito.

Ang larawan ay makaraang magkasundo ang ABS CBN at si John Lloyd na mag-indefinite leave of absence muna ang aktor upang ayusin ang ilang personal na bagay.

Sa pahayag, sinabing magtutungo si John Lloyd sa ibang bansa upang doon magpahinga.

Nitong Oktubre 8 din, ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram ang larawan ng Zermatt, Switzerland.

“See you soon Zermatt” at “I can’t wait to see you again!” nakasaad sa caption ni Ellen; tila pahiwatig na mangingibang-bansa rin ang aktres.

See you soon Zermatt! This photo was taken 4 years ago.. i cant wait to see you again! #zermatt #swissalps #switzerland

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

May  post din si Ellen na kayakap ang isang lalaking pinaniniwalaang si John Lloyd.

📷📸 @vitoselma

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Naging usap-usapan sa social media ang 34-anyos na aktor nitong mga nagdaang linggo matapos mag-viral ang kanyang mga videos at larawang kuha mula sa bakasyon nila ni Ellen Adarna sa Bantayan Island, Cebu.

Pinag-usapan din ang pagpo-post ng aktor ng mga kakaibang larawan sa kanyang Instagram account at ang hinggil sa tunay na estado ng relasyon nila ni Ellen.

Siguro nga’y kailangan munang magpahinga ng aktor sa trabaho at mag-relax — malayo sa Pinas.