Malacañang, ikinatuwa ang pagbabayad ng P6 bilyon na utang ng PAL sa pamahalaan

Image via Facebook page of Philippine Airlines

Ikinatuwa ng Malacañang ang pagbabayad ng Philippine Airlines (PAL) ng P6 bilyon na pagkakautang nito sa pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ay patunay na kung prayoridad ng pamahalaan ang national interest ay maaasahan ang kooperasyon ng publiko.

Aniya: “The matter of PAL’s unpaid charges has been decisively settled. It is a clear reminder that when government prioritizes national interest citizens will cooperate.”

Wika ni Abella, pumayag na ang PAL na bayaran ang nasabing halaga na hinahabol ng CAAP at MIA na tinanggap naman ng Department of Transportation (DOTr).

Aniya: “PAL has agreed to pay in full the P6B claims of the CAAP/MIAA, which the Department of Transportation (DOTr) accepted, which will go a long way to help build much needed infrastructure to support our economic capabilities.”

Ani Abella, malaking tulong ang pera upang maipatayo ang kinakailangang imprastruktura sa bansa para suportahan ang paglago ng ekonomiya, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Hinihikayat din ng Palasyo ang taumbayan na isantabi ang pansariling interes upang maitayo ang isang bansa na nararapat para sa susunod na henerasyon

Aniya: “We enjoin one and all to set aside self-interest and together build a nation worthy of the next generation.”

Nitong Oktubre 6, 2017 ang deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PAL upang mabayaran ang nasabing utang sa pamahalaan at kung hindi ay ipasasara niya ang Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).