Mariel De Leon humingi ng paumanhin sa naging ‘ew’ comment nito sa pahayag ni Joey De Leon sa depresyon

Imahe mula sa Instagram account nina Mariel De Leon/Ang Poet Nyo

Humingi ng paumanhin si Miss International Philippines 2017 Mariel De Leon sa naging pahayag nito kay Eat Bulaga host Joey De Leon hinggil sa naging komento nito  tungkol sa depresyon — na ito’y gawa-gawa lamang ng tao —  noong Oktubre 5. Ngunit kinabukasan ay humingi rin ng paumanhin si Joey sa kanyang [agkakamali.

Matatandaang ‘ew’ ang naging komento ni Mariel at pagpapahayag ng pagkadismaya sa naging bitaw ni Joey sa naturang isyu ngunit ito rin ay kanyang binura sa kanyang social media account.

Sa Twitter post ni Mariel, ibinahagi nito ang isang note na naglalaman ng kanyang paghingi ng paumanhin.

Tiniyak naman ni Mariel sa kanyang mga fans na ipagpapatuloy niya ang pagiging vocal sa iba’t ibang mga isyu.

I keep my advocacies close to my heart and I’ll always be voicing out my opinions passionately. It is a privilege to have a platform and a voice. And I will strive to use it with due respect and fairness,” ani Mariel.

Napagsabihan din umano si Mariel ng kanyang ina na si Sandy Andolong  sa naging komento nito.