Maute at Hapilon bibigyan pa rin ng disenteng libing, ayon sa AFP

Images from DF Balita Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Sa kabila ng paghahasik ng karahasan s aloob ng halos limang buwan na nauwi sa pagkamatay ng mahigit 1,00o katao sa Marawi City, bibigyan pa rin ng disenteng libing ang napatay na lider ng mga terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Sina Isnilon, lider ng Abu Sayyaf Group (ASG), at Maute, pinuno naman ng Maute Group, ay napaslang ng militar sa isang operasyon nitong nakaraang Lunes, ika-16 ng Oktubre.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año, ang dalawang bandido ay ililibing alinsunod na rin sa tradisyon at kaugalian ng mga Muslim.

Ganunpaman, hindi umano nila maaaring sabihin kung saan ililibing sina Hapilon at Maute upang hindi gawing simbolo ng ‘marytdom’ ng mga tagasunod nito ang kanilang mga puntod.

“The bodies will be buried according to Muslim rites. We won’t disclose the location because we don’t want their sympathizers to make this a symbol of martyrdom,” ani Año sa isang press conference.

Kinumpirma rin ni Año na si Omar Maute ay napatay ng isang sniper habang si Isnilon Hapilon naman ay napatay sa engkuwentro.

Ayon naman kay AFP spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, ang pagkasawi ng dalawa ay maituturing na isang ‘turning point’ sa ;imang buwang bakbakan sa Marawi na nagsimula noong Mayo 23.

“These two leaders have been focal personalities of this fight. Ngayon wala na sila, leaderless na sila, may foreigners pero ang Pilipino kasi magga-gravitate sa leadership ng Pilipino,” paliwanag ni Padilla.