Mga agresibong kabataan na miyembro ng Maute Group, ginawang parang laru-laro lang ang digmaan

Image capture of video by GMA News

Hindi lang mga banyagang terorista ang problema ng militar sa Marawi City, kundi maging ang mga kabataan na miyembro ng Maute Group na diumano ay mga agresibo.

Sa ulat ng GMA, isiniwalat umano ng Armed Forces of the Philippines na halos mga binatilyong terorista ang kaharap ngayon ng mga sundalo sa bakbakan sa main battle area sa nasabing lungsod.

Sa isang video na na-retrieve ng mga sundalo mula sa cellphone ng isang terorista na napatay sa bakbakan ay makikita ang ilang kabataang Maute Group members na tila nagkakasiyahan at naghihiyawan pa habang tumatakbo patawid ng lansangan patungo sa isang gusali na kanilang pagkukublihan. Dinig rin ang pagtawa ng terorista na kumuha ng video.

“According sa revelations ng mga hostages, sila pa ‘yung matatapang, ‘yung mga bata. Kita naman doon sa video na talagang aggressive sila tapos parang sa kanila laru-laro lang,” ani Colonel Romeo Brawner, ang deputy commander ng Joint Task Group Ranao.

Narito ang video na ibinahagi ng GMA News: