Mga miyembro ng Maute Group na-videohan na lumalabas sa gusaling tinamaan ng bomba ng militar

Image capture of video by GMA News

Nakunan ng video ang paglabas ng ilang kalalakihan mula sa isang gusali sa Marawi City na binomba ng mga sundalo. Ang gusali ay pinaniniwalaang kuta ng mga Maute Group.

Ibinahagi ng GMA ang naturang video ng isinagawang ground assault ng tropa ng pamahalaan laban sa mga natitira pang mga terorista sa loob ng battle area sa lungsod ng Marawi.

Ayon sa militar, tinatayang nasa limampung terorista na lang ang natitira na patuloy na nakikipaglaban sa mga sundalo. Kabilang sa mga ito ang ilang banyagang sniper na kailan lang ay kumitil sa buhay ng isang sundalo.

Hawak ng mga kalaban ang hindi bababa sa apatnapung mga bihag, kabilang ang mga bata.

Inaasahang hindi na magtatagal ay tuluyan nang mababawi ng Armed Forces of the Philippines ang buong Marawi matapos nilang maitaboy ang mga terorista sa hangganan ng Lake Lanao. Ang nasabing lawa ay bantay-sarado rin ng mga sundalo upang mapigilan ang pagtakas ng mga miyembro ng Maute.

Narito ang isang ulat sa video na ibinahagi ng GMA News via YouTube: