Naaalala n’yo ba si Carrot Man? Balik bukid na ngunit masaya dahil nag-aaral na ang mga kapatid

Images by Jeyrick Sigmaton via Facebook page

Si “Carrot Man” ay si Jeyrick Sigmaton na naging viral nang makunan siya ng litrato na nagbubuhat ng isang basket ng carrots. Marami ang natuwa sa kanyang kagwapuhan at pinuri siya bilang natural na model.

Nang maging viral ito sa social media at sumikat ay dumagsa ang mga endorsements at oportunidad para kay Jeyrick. Nagkaroon siya ng mga modeling contracts at lumalabas na rin sa TV. Ilang beses na rin siyang nakalabas ng bansa tulad ng UK at South Korea.

Ngunit matapos ang lahat ay bumalik na ulit si Jeyrick sa Mountain Province upang tulungan ang mga magulang sa pag-aani.

Kuwento ni Jeyrick sa Kapuso Mo, Jessica Soho na bumisita sa kanya ay: “Nung nag-viral ako, napunta ako sa iba’t ibang lugar at bansa. Nakaipon ng kaunting income mula sa mga event na siyang ginagamit ko para sa pag-aaral ng aking mga kapatid.”

Matatandaan na pinangakuan si Jeyrick ni Willy Revillame ng scholarship ngunit hindi raw ito natuloy dahil nahihiya raw siyang ifollow-up ito. Ngunit laking pasasalamat ni Jeyrick sa lahat ng oportunidad na dumating sa kanya dahil nakapag-aral raw sila ng mga kapatid niya. Bukod sa kasikatan ay mas pangarap raw ni Jeyrick na makapagtapos siya ng pag-aaral upang matulungan ang pamilya.

Natutuwa rin si Jeyrick dahil naging instrumento siya upang mas makilala ang kultura ng kanyang tribo sa Mountain Province. May official fan group rin siya sa Facebook sa account na jeryicknatics1.

Ibinahagi ng Jeyrick Sigmaton ang video ng KMJS.

 

Source :

Abante, GMA, TNP, Facebook