Panelo: Hindi maaaring maging special prosecutor si Duterte laban sa impeachment complaint kay Sereno

Mga imahe mula sa Secretary Salvador Panelo at President Rodrigo Duterte Supporters Facebook pages.

Hindi maaaring maging special prosecutor si Pangulong Rodrigo Duterte sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang tuwirang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa panukala ni Atty. Larry Gadon, ang naghain ng impeachment complaint laban kay Sereno.

Aniya: “The proposal to make the President act as Special Prosecutor in the impeachment trial of Chief Justice Lourdes Sereno is pure nonsense.”

Paliwanag ni Panelo, sa panahon ng panunungkulan ng isang Pangulo ay hindi ito maaaring humawak ng ibang puwesto dahil ipinagbabawal ito ng batas.

Aniya: “The President is constitutionally prohibited to hold any other office during his tenure.”

Dagdag pa niya: “Even assuming that there is no prohibition, such position diminishes the office of the presidency and departs from his functions and duties as mandated by the Constitution.”

Ayon pa kay chief presidential legal counsel, nais lamang matiyak ni Gadon ang tagumpay ng kanyang reklamo, ayon sa ulat ng Inquirer.

Wika niya: “Gadon may only wanted “to insure the success of his impeachment complaint knowing [Duterte’s] rich experience as a public prosecutor.”

Sinabi rin ni Panelo na ang Kongreso lang ang may tanging kapangyarihan upang magsagawa ng impeachment proceedings sa sinumang opisyal na inirereklamo.

Idineklara naman ng House Justice Committee ang impeachment complaint ni Gadon bilang sufficient in form and substance, ayon sa ulat ng RMN.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa ABS-CBN News: