PDP-Laban, hindi na tatanggap ng bagong miyembro

Imahe mula sa PDP-Laban Facebook page.

Dahil parami nang parami ang nais sumali sa partidong kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang PDP-Laban ay hindi na tatanggap ng mga bagong miyembro.

Ito ay inanunsyo ng pangulo ng PDP-Laban na si Sen. Koko Pimentel noong Linggo, Ocktubre 8, 2017.

Hinggil sa ulat ng ABS CBN News, sinabi ni Pimentel kailangan ng partido nila na masala at makapili ng mga kandidatong kanilang magiging pambato sa pambansa at lokal na eleksyon.

Dagdag pa niya, kailangan din daw nilang maituro sa mga bagong kasapi ang idelohiya ng PDP-Laban.

“After the massive influx of new members into the party for the past year, we now have significant presence in most of the provinces of the country,” saad ni Pimentel.

[Matapos ng pagdagsa ng mga bagong miyembro sa aming partido, mayroon na kaming sapat na presensya sa mga probinsya sa bansa.]

“By stopping recruitment, we will have time to indoctrinate and train our members, screen possible candidates, and absorb our new members into our grassroots infrastructure,” paliwanag niya.

[Sa pagtiggil sa pagtanggap ng bagong kasapi, magkakaroon na kami ng sapat na panahon upang maturuan ang mga bagong kasapi ng aming doktrina, at masala ang mga maari naming gawing kandidato.]

Ang PDP-Laban, ayon kay Pimentel, ay hindi isang “party for convenience” lamang. Giit niya, ang partido ay naniniwala sa “Belief in God; Human Dignity; Love of Country; Equal Opportunities for All; Consultative and Participatory Democracy; and Federalism.”

Matatandaan na matapos maupo ni Duterte bilang pangulo, maraming nakaupong pulitiko ang lumipat bigla sa PDP-Laban.