PNP, mananatiling naka-full alert sa posibleng pag-atake ng supporters ng Maute-ISIS

File photo

Matapos mapatay ang mga lider ng Maute-ISIS na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute, mananatiling naka-full alert ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pag-atake ng mga supporter ng teroristang pangkat.

Batay sa police intelligence, bagama’t walang pangkat ang Maute-ISIS sa Metro Manila ay posibleng may mga supporter ito na kahit hindi pa ito mga armado ay maaari namang makapagbigay ng financial support sa pangkat.

Hihigpitan naman ang seguridad sa ilang lugar tulad ng paligid ng airport at patuloy din ang intelligence sharing ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon sa ulat ng Unang Balita.

Hanggang sa susunod na buwan, naka-full alert ang pulisya para na rin sa ASEAN Summit.

Samantala, idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalaya sa Marawi mula sa Maute-ISIS sa kanyang ikapitong pagbisita sa lungsod nitong Martes, ayon sa ulat ng Kicker Daily.

Ayon sa Commander-in-Chief, ito na rin ang simula ng rehabilitasyon ng Marawi.

Wika niya: “Ladies and gentlemen, I hereby declare Marawi City liberated from the terrorist influence that marks the beginning of rehabilitation.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News via YouTube: