‘PUV modernization program, lilikha ng dagdag trabaho’ – DTI

Imahe mula sa Twitter account ni Chris 30

Tiniyak naman ni Department of Trade and Industry  Secretary Ramon Lopez na makapagbibigay ng dagdag na trabaho ang mga gagamiting PUV sa modernization program .

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, sinabi ni Lopez na bahagi ng Build Build Build program ng pamahalaan ang modernisasyon sa mga pampublikong jeepney.

Ipinakita na rin sa PhilAPEX expo ang halimbawa ng prototypes ng modern PUVs.

Samantala pursigido naman si Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang modernization program sa mga PUV. Aniya, simula sa Enero ay ipagbabawal na nito ang mga lumang pampasaherong jeep.

“Sumunod kayo kasi January 1, kapag may makita ako diyang mga jeep ninyo na hindi narehistro, luma, guguyurin ko ‘yan sa harap n’yo,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa  Caramines Sur.

Nauna nang inihayag ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON na hindi sila titigil sa mga pagsasagawa ng mga tigil-pasada kapag ipinilit ng gobyerno ang modernisasyon sa jeepney.