Rachel Peters ready na sa 2017 Miss Universe: “Ready to hit the ground running!”  

Imahe mula sa Instagram account ni Rachel Peters

Nagpahayag na ng kahandaan ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters para sa 2017 Miss Universe sa Nobyembre.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, kasalukuyang nasa engrandeng resort sa Amanpulo, Palawan si Peters para sa advance celebration niya ng ika-26 na kaarawan sa Oktubre 20.

Ayon pa sa ulat, sa Palawan inirarampa ng Bicolana beauty ang sexy body nito suot ang bikini at one piece swimsuit.

Sa Instagram account ni Peters AY nakasaad sa kanyang ibinahaging larawan ang caption na: “Ready to hit the ground running!”

Peace out @amanpulo 💕 Ready to hit the ground running! 👠

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

Early birthday breakfast 💦 Last chance to top my tan up before Miss U 😱😍 wearing @quiver.ph bottoms!

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

Ang beauty queen girlfriend ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ay nagpahayag kamakailan lamang na ayaw niyang  maging kampante o magpakakumpiyansa, sa kabila ng mga pahayag ng fans na perfect na siya para sa pageant na gaganapin.

Sa November 27 (Manila time) ang kaganapan ng Miss Universe 2017 pageant sa Las Vegas.

Noong 2016 Miss Universe ay nakamit ni Maxine Medina ang Top 6 finish kung saan ay host country ang Pilipinas.