SILIPIN: Mga pre-nup na larawan nina Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan na pinag-uusapan sa Social Media

larawan mula sa Instagram

Talagang pinag-usapan at patuloy na inaabangan ang mga detalye, mga larawan at video sa pre-nuptial shoot ng engaged couple na sina Kapuso actress Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas at kanyang non-showbiz fiance na si Gerald Sibayan.

Nitong Huwebes, Oktubre 12, 2017, patuloy na pinatatamis at pinakikilig ng komedyante ang kanyang mga tagahanga at tagasubaybay sa patuloy niyang pag-post ng mga video at photo ng kanilang pre-nup shoot kaugnay ng pagdiriwang na rin ng kanilang monthsary.

Matatandaang ginulat ni Ai Ai ang lahat sa kanyang rebelasyon noong Abril 2017 na siya ay ikakasal na sa kanyang boyfriend matapos ang kanilang tatlong taong pagde-date. Magaganap ang kasalan sa darating na Disyembre 12 bago matapos ang taong 2017.

Ito na ang pangatlong kasal ni Ai Ai. Hindi nagtagal ang kanilang pagsasama ni Jed Salang, ang ikalawa niyang naging asawa dahil diumano’y sinasaktan siya nito.

Unang niyang naging asawa ang aktor na si Miguel Vera, subalit natuloy rin sa hiwalayan.

Mababakas sa mukha ng aktres ang kasiyahan sa piling ng kanyang mapapangasawa matapos ang ilang mga relasyong nagwakas at hindi nagtagumpay.

Kung matatandaan, isinalaysay ni Ai Ai ang kuwento ng pag-iibigan nila ni Sibayan sa isang press conference noong Abril 2017 kaugnay ng kanyang pelikulang Our Mighty Yaya. Ayon sa kanya, ipinagdasal niya at humingi siya ng senyales sa Diyos kung si Gerald na nga ang kanyang “the one.”

Unang-una, walang taong nega[tive] sa kanya except for yung mga bashers. Pero yung sa pamilya ko, sa mga friends, sa mga kamag-anak ko, walang hindi mangandang sinasabi tungkol sa kanya. Isa iyon…” 

And siguro, siya sa lahat na naging boyfriend ko na maging asawa ko na ngayon ang sinasamahan ako mag-novena every Wednesday. Siguro isa iyon… yung center namin is God. Kaya siguro it works. And pangalawa iyon, parati kaming nagdadasal para sa kanya at para sa akin. Siguro iyon yung sign,” pahayag noon ni Ai Ai.

Samantala, silipin ang sweet photo ng magkasintahang Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan sa ilalim ng Nice Print Photography.

Posting today because it’s your anniversary Happy Anniversary @msaiaidelasalas and Gerald 10,000 roses cafe Cebu

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

@msaiaidelasalas and Gerald Sibayan Esession at 10,000 roses cafe in Cebu

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

mm

Swerte mo talaga ang GANDA KO !!! Hahaha @gerald_sibayan

A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Narito naman ang video na ipinost ni Ai Ai sa kanyang Instagram account:

Happy monthsary my darling .. i love you so much .. @gerald_sibayan and thank you nice print for our prenup photos @niceprintphoto

A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on