[Video] Robredo kay Dela Rosa: Hanggang wala pa akong mascot, standee sa mall ‘di ko pa inaambisyon

Mga imahe mula sa YouTube videos ng UNTV News and Rescue at GMA Public Affairs

“Malalaman siguro ni General na may ambisyon ako ‘pag meron na rin akong mascot ‘tsaka meron na rin akong standee sa mga mall.”

Ito ang naging pahayag ni Bise Presidente Leni Robredo sa isang panayam; bilang pagtugon sa panawagan ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Ronald Dela Rosa sa kanya na isantabi muna ang umano’y hangaring maging presidente.

“Pero hanggang wala pa akong mascot ‘tsaka mga standee sa mall, ibig sabihin hindi ko pa inaambisyon,” sabi pa ng opisyal.

Matatandaang may mga inilunsad na mascot, puppet, mall standee, at puppet na General Dela Rosa. Narito ang halimbawa:

Narito ang video ng panayam ng mga mamamahayag kay Bise Presidente Leni Robredo: