[Video] Roles na binibigay kay TGIS star Michael Flores, nabawasan daw matapos niyang makalbo

Mga imahe mula sa video ng Tunay Na Buhay

Nabawasan daw ang roles na ibinibigay sa aktor na si Michael Flores matapos itong makalbo dahil sa iba’t ibang hair treatment.

Ayon sa GMA News, si Flores ay sikat na sikat noon bilang bahagi ng dance group na Maneuvers at ng ensemble cast ng hit teen-oriented show na T.G.I.S. at naging isa ring heartthrob dahil sa kanyang mestizo looks at husay niya sa pagsayaw. Gayunman, nagbago ang takbo ng kanyang karera nang siya ay nakalbo.

Kuwento ni Flores, nasira ang kanyang buhok dahil sa mga hair treatment noon. At kasunod ng pagkawala ng kanyang signature floppy hairstyle, naging limitado na rin ang mga roles na naibibigay sa kanya.

“Before kasi ‘pag bald ka it’s either komedyante ka or rapist ka. ‘Yung mga ganun ang roles na ibibigay sa ‘yo. Nahirapan ako,” saad niya.

Ngunit dahil sa angkin niyang talento, hindi ganap na natapos ang karera ng aktor dahil lamang dito.

Napabilang pa siya sa hit GMA Telebabad series na Because of You noong 2015. Nasundan pa ito ng isa pang role sa Alyas Robin Hood kung saan ginampanan niya ang isa sa mga karakter na lubos na tumatak sa kanya.

“Proud ako sa show na ‘yun kasi talagang ‘yung Llama character na ‘yon, ‘yan ang pinakatumatak sa tao. Hindi ko ine-expect na [magugustuhan] ‘yung pasundut-sundot ko na comedy. Hanggang sa nag-decide na kami nina Direk Dom [Zapata] na gawin mo nang comedy,” kuwento niya.

Narito ang panayam kay Michael Flores sa Tunay Na Buhay:

 

 

 

Source :

GMA News, GMA, YouTube