Viral: Nasakyan mo na ba ang Uber car na ito? May pa-“Eat All You Can” sa mga pasahero nito!

Imahe mula kay Chey Aceveda Facebook Account

Sa panahon ngayon marami nang tumatangkilik sa serbisyo ng Uber na ayon sa karamihan ng mga parukyano nito ay mas nakawiwili at mas “feeling safe” sila.

Ngunit kakaibang atraksyon ang  hatid ng isang Uber driver — ayon sa Facebook post ng netizen na si Chéy Aceveda. Kasi naman may libreng pagkain!

Kakaibia ang gimik niya kaya’t marami ang napukaw ang atensyon sa post na ito. Kasi ba naman super nakatatakam ang paepek ni manong Uber driver.

Free snacks! ‘Eat All You Can’ but strictly NO TAKE OUT! Thank you.

Ito ang mahirap na tanggihan ng mga nagiging pasahero ni manong. Sino ba naman ang hindi mapapakain?

Nasakyan umano nila Aceveda ang Uber unit ni manong Orlando bandang Pasig, at kinilala naman ang driver na ito sa pangalang si manong Orlando. Nakatutuwa dahil may mga ganitong driver na kakarampot man ang kita ay kaya pa ring magpasaya ng ibang tao. Nagse-share ng blessings! Bless you!

Marahil, kaya ito naisip ni manong Orlando ay upang makaiwas sa inip, stress at pagiging bored ng kanyang mga pasahero — lalo pa sa tindi ng trapik na madaraanan. Kahit papaano ay iwas gutom din naman ang alok na ito ni Manong.

Ikaw? Nasuwertehan mo na bang masakyan ang Uber niya?