Viral: Batang may talento sa pag-awit, kinagiliwan sa social media

Image capture from video by Dessa Jane Jadraque Datu via Facebook

MAYNILA, Pilipinas – Isang batang babae ang kinagigiliwan ngayon ng mga netizen dahil sa angking ganda ng boses na ayon sa karamihan ay puwedeng isali sa mga paligsahan.

Sa naturang video na kumakalat sa social media, makikita ang bata na hinihimok umawit ng kanyang mga kalaro habang kinukunan naman ng video ng isang babae.

Bagama’t nahihiya sa una, ay napilitan na rin itong kumanta at maririnig ang tinatago nitong galing sap ag-awit ng “Ngayon Hanggang Wakas” ni Darryl Ong.

Ang video na mayroon nang mahigit 2-M views at nai-share sa Facebook ng halos 49,000 beses ay ibinahagi ni Dessa Jane Jadraque Datu noong Oktubre 16 lamang.

Hindi naman nabanggit sa post kung ano ang pangalan ng bata at kung taga-saan ito. Subalit makikita sa nasabing video na tila ito ay taga-probinsiya dahil sa halos bundok at at kakahuyan ang makikita sa paligid.

Umaasa naman ang maraming netizen na mapapansin ang talento ng bata sa pag-awit at mabigyan ng pagkakataong maibahagi ito sa maraming tao.

Wika ng iba, sana ay magsilbing daan ang viral video para naman matulungan ang bata at pamilya nito na makatanggap ng tulong para kahit paano ay makaahon sa kahirapan.

Panoorin ang video:

Source :

Facebook