‘13 years later’ 1st batch ng Star Circle Quest muling nagsama-sama

Imahe mula sa Instagram account ni Mellyricks09

Muling nagsama-sama ang unang batch ng contestants ng talent search na Star Circle Quest sa unang kaarawan ng anak nina Chito Miranda at SCQ batchmate Neri Naig.

Sa Instagram account ni Joross Gamboa, ibinahagi nito ang kanilang  group photo.

Ito ay may caption na: “13 years later.”

13years later… #scq #starcirclequest #scqbatch1 #niceprintphoto

A post shared by Joross Gamboa&Katz Saga-Gamboa (@jorossandkatz) on

Maliban sa pamilya ni Joross, dumalo rin sa naturang event sina Melissa Ricks, Joseph Bitangcol, at Raphael Martinez.

Kasama ng mga dating teen stars ang kani-kanilang  partners at mga anak.

Ang unang season ng Star Circle Quest ay inere noong 2004.

Magugunitang si Hero Angeles ang itinanghal na grand winner habang sina  Gamboa, Ricks, Sandara Park, at Roxanne Guinoo ay mga runners-up.

Ang aktres na si Michelle Madrigal ay bahagi rin ng first batch ng SCQ.

Tunghayan ang ilan pang mga larawan sa muling pagsasama-sama ng SCQ batch 1:

#StarCircleQuest #SCQKids ❤️ Happy happy Birthday Miggy!🎉

A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09) on