8-anyos na si Zipporah Temelloso, nagpabilib sa kanyang beatboxing skills

Imahe mula kay Zipporah Beatbox Facebook Account

Mapapa-wow ka sa kanya!

Isang batang babae ang nakabibilib dahil sa talento nito sa kanyang beatboxing skills.

Siya si Zipporah Temelloso, 8 anyos, na talaga namang nakahahanga ang taglay nitong husay pagdating sa beatbox dahil sa murang edad ay nagagawa na niya ang pagbi-beatbox.

Trap beat, Breaks style, Echo —  alin lamang ito sa kanyang mga technique na minamani lamang ang komplikadong beatbox, at mapapaisip ka na lamang kung saan hinuhugot ni Zipporah ang mga tunog na lumalabas sa maliit nitong bibig.

Hindi lang isang technique ang kaya nitong gawin, hindi dalawa o lima kundi kaya pa nitong pagsabay-sabayin ang sampung technique!

Nang nakapanayam ng GMA News sa segment ng 24 oras, “Inspirasyon ko po sa aking talento ay si papa dahil siya ang nagtuturo sa akin” saad ni Zipporah.

Ang ama kasi ni Zipporah ay isa ring talentadong Beatbox na miyembro ng grupong Microphone Mechanics.

Nagpe-perform din nang sabay ang mag-ama at ang kanilang mga videos ay kinagigiliwan naman ng mga netizens at hinahangaan ngayon sa social media. Minsa’y kasama si Zipporah sa pagtatanghal ng grupong Microphone Mechanics.

“Tuloy lang nang tuloy sa pangarap at saka mahal na mahal kita!” sabi ng ama ni Zipporah na si Jehu Temelloso.

Hindi lamang sa pagbi-beatbox ang skills ni Zipporah kundi pati na rin sa pagkanta!

Paanoorin ang video:

Paanoorin ang sampung tunog technique ni Zipporah sa kanyang beatbox YouTube channel:

Sino ba ang kanyang inspirasyon? Malalaman n’yo dito sa video na ibinahagi ng 24-Oras!