‘Ang pagkakaroon ng ‘genuine heart’ sa mga Pinoy ang kwalipikasyon ni Uson bilang Senador’ – Alvarez

Image from Mocha Uson Blog

Naniniwala umano si Speaker Pantaleon Alvarez na ang pagkakaroon ng ‘genuine heart’ sa mga Pinoy ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang kanyang kwalipikasyon bilang isang Senador.

Ayon sa ulat ng GMA, kinumpirma ni Alvarez na kanyang binanggit si Uson bilang bahagi sa paunang listahan ng senatorial bets sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) sa 2019 elections.

Si Alvarez, na nagsilbi ring secretary-general ng partido ay binanggit sina presidential spokesperson Harry Roque, dating Metropolitan Manila Development Authority chair Francis Tolentino, at Representatives Karlo Nograles ng Davao City, Alfredo Benitez ng Negros Occidental, at Geraldine Roman ng Bataan na kabilang sa  partial list ng partido.

Ngunit nilinaw naman ng mambabatas na pansamantala lamang ang naturang listahan.

Itong mga sinasabi ko, alam naman nating lahat na ito ay parang temporary list dahil kailangan pa rin i-finalize ng leaders ng partido,” ani Alvarez.  “Kasi lahat ng listahan ng senatorial candidates namin ay kailangang aprubahan,” dagdag pa nito.

Tinanong naman si Alvarez kung bakit kabilang si Uson sa listahan, at aniya: “Tingin ko naman, unang-una, kaya niyang manalo.”

Pangalawa, I think she has a genuine heart for the Filipino people,” dagdag pa nito.

Nauna nang inihayag ni Uson na hindi siya tatakbo sa pagkasenador.

Kamakailan lamang ay sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan ang mga Pilipino na magdesisyon para kay Uson sa nalalapit na halalan.

Source :

GMA, Inquirer, Rappler