Beauty Gonzalez, may mga inamin hinggil sa ugnayan nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz

Image via Instagram accounts of maria.elena.adarna and beauty_gonzalez

Labis ang kasiyahan ni Beauty Gonzalez para sa kanyang matalik na kaibigan na si Ellen Adarna at sa rumored boyfriend nito na si John Lloyd Cruz.

Ayon kay Beauty: “They both love each other e. So, I’m happy for them.”

Tinanong din si Beauty kung pormal na bang naipakilala ni Ellen si John Lloyd na boyfriend nito, ayon sa ulat ng PEP.

Wika ng aktres: “We’re too old to say things na. Kahit ako nga, hindi ko napakilala na boyfriend ko na pala ‘yung asawa ko.”

Paglilinaw pa niya: “It’s just, you know, when you see both people happy, then maybe they’re together.”

Ayon kay Beauty, wala rin siyang nakikitang masama sa biglaang desisyon ng dalawa na magbakasyon.

Aniya: “We all need a break. Ako rin naman, I’m gonna go somewhere also. I’m gonna have my break. I mean, kailangan din natin ‘yan sa sarili natin. We need to get ourselves together. Kasi minsan, when you’re overworked na rin, araw-araw ‘yun lang ang ginagawa mo, nakalilimutan mo na kung paanong tumawa.”

Dagdag pa niya: “Nakakalimutan mo nang mag-appreciate sa mga maliliit na bagay—pag-travel, bigyan ng time sarili mo. So, I’m happy, finally, both of them are doing it.”

Si John Lloyd ay isa sa lead star ng “Home Sweetie Home”, weekly sitcom ng ABS-CBN, at si Ellen naman ay isa sa supporting cast ng show.

Samantala, nangyari ang nasabing pahayag ni Beauty nang magkaroon ng pagkakataon ang piling reporters ng PEP na tanungin siya pagkatapos ng press conference ng “Pusong Ligaw”.

Hiningan din ng reaksyon si Beauty kaugnay sa ispekulasyon na posibleng nagbabalak nang magpakasal sina Ellen at John Lloyd.

Tugon ni Beauty: “Why not? If they feel like it. Imbitahin naman nila ako, di ba? I’ll be there whenever, wherever. Sabi ko sa kanila, ‘Gawin niyo na lang weekend. Kahit isang araw, pupuntahan ko kayo kahit saan.”

Wika pa niya: “Siyempre, both of them are ninang and ninong sa anak ko. So, they’re very close to me and to my family.”

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa PEP:

Source :

PEP, YouTube, Inquirer