Dating DILG secretary Mar Roxas tinawanan lamang ang kasong plunder na isinampa laban sa kanya

Public Domain

Minaliit lamang ni dating Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II ang kasong  plunder na isinampa laban sa kanya sa diumano’y maanomalyang kontrata sa maintenance of the Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).

“(Still abroad) I was informed that I have been included in a case filed by the DOTr (Department of Transportation). According to media reports, I was included because of decisions made by the GPPBoard (Government Procurement and Policy Board) of which I was a member in my capacity as secretary,” ayon kay Roxas.

“In a word? Pathetic. Dahil walang mapakitang accomplishment sa mga ipinangako, nag-imbento ng kasong walang laman, walang basehan sa katotohanan o sa batas para ipakitang may ginagawa sila,” dagdag pa nito.

Ani Roxas sa inihaing reklamo:  “Laughable on its face.”

Dagdag pa ni Roxas, hindi pa niya natatanggap ang kopya ng reklamo kaya hindi muna ito nagbigay ng karagadagang komento.

Bago naitalaga bilang Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary, nagsilbi si Roxas bilang  chief ng Department of Transportation and Communication, tagapagsalita ng  DOTr. Siya’y pinalitan ni Joseph Emilio Abaya.

Ayon sa ulat ng GMA, sina Roxas at Abaya ay pinangalanan bilang ‘main plunderers’ sa inihaing kaso.

Ang reklamo ay inihain laban sa dating mga Cabinet officials ay nagmula sa procurement at serbisyo ng DOTC mula sa Busan Universal Rail Inc. (BURI) para sa maintenance, general overhaul ng light rail vehicles, at pagpapalit ng  MRT3’s signaling system.

Nagkaroon ng serye ng mga insidente sa nakalipas na mga linggo, kabilang ang paghiwalay ng bagon ng Light Rail Vehicle at ang pagkawala ng Messma Card o ang Black Box ng LRV noong nakaraang linggo.

Source :

GMA, Inquirer, CNN