Duterte nagbantang sasampalin si CHR Chito Gascon

Public Domain

Pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commission on Human Rights chairman Chito Gascon na ito’y kanyang sasampalin kapag nagkrus ang kanilang landas.

Ayon sa ulat ng GMA, ang pahayag na ito ay sa ginanap na 65th General Assembly of the League of Cities of the Philippines, kung saan binanatan ng Pangulo si  Gascon habang tinatalakay ang epekto ng illegal drugs sa pamilyang Pinoy.

Si Gascon ay kritiko ng diumano’y extrajudicial killings  kung saan sinisisi nito ang war on drugs.

Human rights. Pu—bakit ka tahimik diyan? Kaya itong is Gascon, ‘t— ina ‘pag nakita kita, leche ka. Better avoid that we cross paths. P— ina, sampalin talaga kita. Totoo lang,” ani Duterte.

Hindi ko alam kung bakla ka o either masipa kita o… Hindi mo naman ako mademanda. Sige daw beh. Iyon ang masakit sa akin. Kami dito—you don’t even bother to find out kung sino ang namatay,” dagdag pa nito.

Nitong Setyembre binanatan din ni Duterte si Gascon sa pagsabing siya’y pedophile dahil nakapokus ito sa pagkamatay ng mga lalaking teenagers habang hindi nito iniintindi ang mga krimen na ginawa ng mga drug addict.

Kamakailan ay nagbantang sasampalin ni Duterte si Callamard kapag siya’y nag-imbestiga sa war on drugs.

Wala pa umanong reaksyon si Gascon sa pahayag na ito ng Pangulo.