Duterte sa pagkondena ng UN: ‘Harapin niya ako dito’

Imahe mula sa Twitter Account ng Manila Times

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations’ human rights office na siya’y harapin makaraang kondenahin nito ang bantang pagsampal kay Special Rapporteur Agnes Callamard.

“Sabihin mo sa kanya, harapin niya ako dito, p—na talaga hiritan. Binabastos niya tayo. There is a report of the United Nations, of which the Human Rights Commission is a part as well as the World Health Organization. Saan mo ako ilagay doon?” ani Duterte sa ginanap na 65th general assembly of the League of Cities of the Philippines nitong Martes.

Kamakailan ay nagbanta ang pangulo na sasampalin niya si Callamard kapag siya’y nag-imbestiga sa war on drugs.

Nitong Nobyembre 21, binatikos ng UN Human Rights Council si Duterte: “We condemn this treatment of Ms. Callamard and the disrespect it shows to the Human Rights Council that appointed her in the strongest terms,” ayon kay Rupert Colville,  UN High Commissioner for Human Rights spokesperson.

You are fighting with each other then you come to me to put me to task to answer for what? If you cannot agree with your neighbor… why are you—why are you pissing me off? Kaya ko sila binabastos,” ani Duterte.

Biro mo, nag-aaway sila, magpo-produce pang doctor dito na itim, magsasabi pa ng g—, ‘Ah, that is all right.’ Tapos ‘yung World Report—World Health Organization—and you can have a copy, I’ll give you, it’s not mine. Ikaw, ganunin ko. Maligayahan ka kung ganunin ka?” saad ni Duterte.

Sinabi pa ng Pangulo, ang UN’s “International Narcotics Control Board Precursors and Chemicals Frequently Used in the Illicit Manufacture of Narcotic Drugs and Tropic Substances 2014” report ay taliwas sa sentimiyento ni Callamard; ayon sa ulat ng GMA.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni  Colville na ang opisina ng human rights ay hindi matatanggap ang paulit-ulit na insulto at pagbabanta ng pangulo at ng mga online supporters nito laban kay  Callamard .

Dagdag pa nito, gumaganap lamang si Callamard batay sa kanyang mandato kapag siya’y nagkokomento tungkol sa drug war.