Effort! Nakabibilib na viral Musically video nasa 2.3 million views na

Images by Issey Miyake Parto via Facebook page

Talaga namang marami ang nawiwili sa paggawa ng mga Musically videos. Pati mga artistang tulad ni Liza Soberano at Maine Mendoza ay gumagawa rin.

Ang Musically ay isang application kung saan puwede kang gumawa ng mga videos habang nagli-lip synch o kaya’y manood ng mga trending videos.

Isang netizen ang naging viral dahil sa kanyang patok na Musically video. Tampok sa Tee Radio Facebook page ang Musically cover ni Issey Miyake Parto.

Ikinatuwa ng mga netizens ang kanyang video dahil mukhang pinaghandaan at pinag-isipan talaga ang pagkakagawa nito.

Makikita si Issey na papalit-palit ng damit at kuha sa halos bawat galaw niya sa video. Maraming bumilib dahil effort raw talaga gawin ang buong video. Ni-lip synch ni Issey ang kanta ni Moira Dela Torre na Titibo-Tibo. Umabot na sa 2.3 million views ang video sa Facebook.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na naging viral si Issey. Siya ay isang Viva artist at marami na rin siyang fans and followers. Umabot na sa 20,000 ang followers niya sa Instagram at 160,000 followers naman sa Facebook page niya.

Maaaring mapanood ang kanyang viral video sa Tee Radio Facebook page.