Facial expression ni Yael Yuzon agaw-eksena sa lap dance sa reception ng Anne Curtis at Erwan Heussaff wedding

Imahe mula sa Twitter account ni Ollen

Nag-viral ngayon sa social media ang nakaaaliw na facial reaction ni Spongecola vocalist Yael Yuzon sa hot lap dance ni TV host Marc Nelson sa reception ng kasalang Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Ang video ay ibinahagi ni Dr. Vicky Belo sa kanyang Instagram account, kung saan makikita si Yael sa likurang bahagi ni CJ Jaravata (ang nakakuha ng bouquet) na sinayawan ni Nelson.

Lucky @cjjaravata she got her own magic mike dance from sexy handsome Mark Nelson.

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

Nagmistulang agaw-eksena ang mga facial expression ni Yael kaysa pagsayaw ni Nelson kay Jaravata.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang video na ito mula sa mga netizens:

“THATS WHY KARYLLE MARRIED HIM❤ I LOVE THIS MAN NOW”

“He lives with decency..respectful..maybe he was shocked to see such actions in a wedding..”

“Hindi gay si yael, conservative lang sya. Kaya ganyan ang reaction nya.”

“Hahahahahaha.. Yung reaction talaga ni Yael.. Made my day! Hahahahahaha”

“hahaha first time siguro makakita ng ganon na nakakuha lang nung bouquet ng flowers at garter eh parang magsesex na yung 2, to think na friends lang dapat di ganon, conservative ang lolo mo, bawal kiskis pag di lovers.”

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naging viral si Yael. Matatandaang nag-viral ang kanyang on-the-spot translation ng kanyang awiting: ‘Jeepney.’

Source :

Instagram