Fan noon, kapwa artista ngayon: Pagkalipas ng halos 1 dekada, nagkaroon muli si Maine ng larawan kasama ni Richard

Mga imahe mula sa Instagram account ni @nelsoncanlas

Nakatutuwang isipin na ang dating fan ay isa nang kapwa artista ngayon ng kanyang iniidolo.

Kinagigiliwan ngayon ng marami ang mga larawan ng aktor na si Richard Gutierrez at aktres na si Maine Mendoza. Sa ini-upload ni Nelson Canlas sa Instagram, makikita ang litrato ng dalawa noong wala pa sa showbiz si Mendoza at ang larawan nila ngayong pareho nang maningning ang mga bituin nila sa industriya.

“After almost a decade may picture na uli Maine Mendoza na kasama si Richard Gutierrez, pero this time hindi bilang isang fan, kungdi isang star na din. @mainedcm #benchunderthestars Photo credits: @aubreycarampel @gmanews @gmanetwork,” ani Canlas sa kanyang post.

Marami ang natuwa sa mga larawan. As of posting, mayroon na itong mahigit 14,000 favorites.

“Saya ng buhay fangirl ni Maine. Dati nagpapapic lang sya now kasama na nya sa stage,” kumento ni @m_a_r_i_a85.

“Dati fan lang ngayon star na siya! At nakasama niya pa si Richard Guttierez!” wika ni @r_s_m.beng.

“Nakakatayo ng balahibo!” sabi naman ni @gigieoqueriza.

Narito ang video ng pagtatanghal nina Gutierrez at Mendoza: